B'dadali
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

B'dadali

The Prestigious B'dadali Forum
 
HomeHome  PortalPortal  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 Mga kwentong eklabu

Go down 
AuthorMessage
stirgeorge
forum sophomore
forum sophomore
stirgeorge


Number of posts : 82
Age : 50
Location : Australia
Registration date : 2007-11-07

Mga kwentong eklabu Empty
PostSubject: Mga kwentong eklabu   Mga kwentong eklabu Icon_minitimeThu Feb 12, 2009 8:23 am

Ang Walang Kamatayang love affair ni Maya at Kulisap


May isang ibong maya na nagpipilit lumipad sa mas mataas na papawirin, sa kaniyang kaliitin tila isa na lamang siyang tuldok sa kalayuan, ngunit nag-iiwan ng bakas sa kalawakan. Sa pagnanais na makalipad sa mas mataas na himpapawid, nahulog ang pinakaiingatan niyang puso, labis niya itong dinamdam, nawindang ang kaniyang utak, alin ang uunahin niya, ang paghahanap sa mga gintong siit na inuutos ng kaniyang Amang Kwago o ang nawawala niyang puso?. Nagdulot ng mapapait na pagbabago sa buhay ng ibong maya ang pagkawala ng puso nito,kasabay ‘non ang paglipad sa ibang lugar ng kaniyang mag-inang Pugo at Pipit, namatay din ang kaniyang soulmate na si Talamisik. “ Life has to move on” ang wika ng Inang Kilyawan. Ipinag-utos ng Amang Kwago ang madaliang paghahanap sa nawawalang puso ni Maya, kapalit nito ang paghahanap naman ng mga gintong siit para sa gintong pugad na nais ng kaniyang Amang Kwago, mangyayari lamang yon kung makalilipad si maya ng mataaas at makalilipat ito ng ibang kagubatan.

“Amang Kwago at Inang Kilyawan, nakapagdesisyon na po akong lisanin ang hilagang kagubatang ito upang masunod ang inyong ninanais at naisin ko rin, kasabay nito ang paglimot sa aking nakaraan. Ako’y nangangakong magpapadala ako ng masasarap na prutas at mga buto para sa kalupon nating ibon.”

“Nangangako rin kami Maya anak, na hindi kami titigil na ipahanap ang iyong nawawalang puso” Dama ni Maya ang lungkot sa mga mata ni Amang Kwago at Inang Kilyawan ng magsimula siyang ikampay ang kaniyang bagwis papunta sa kalawakan.

Sa kaniyang paglipad nakilala niya si Gagamba, binigyan siya nito ng kapangyarihang makipagchat. Natutunan niyang makipag-usap sa iba’t ibang lahi ng hayop sa earth, madalas niyang tanungin kung may nakakita sa kaniyang puso, ang iba ay nagsisinungaling at ang iba naman ay nais lamang na makatukaan siya.

Isang araw may nakachat siyang stranger, Seahorse ang codename, negative ang arrive sa kaniya, naniniwala siyang hindi sa karagatan nawala ang kaniyang puso kundi sa kagubatan.

“ Nais ko lamang malaman kung ano ang nilalaman ng nawawala mong puso Maya?”, tanong ng stranger na seahorse.

“ Bakit mo naman gustong malaman? Nakita mo ba? Pasupladong sagot ng Maya

“ Malay mo, kaya kitang igawa ng bagong puso”, eklabu ng lantod na seahorse.

“ Hindi mo kayang gumawa non Seahorse, nakalagay don ang alaala ng aking kabataan, ang aking pagkabigo, pag-ibig kay Pugo at Pipit, pati na rin sa aking soulmate na si Talamisik, laman din non ang aking kahapon.Ikaw naman Seahorse ano naman laman ng iyong puso?.”

“ Wala itong laman,kaya nga ako nakakalipad ng medyo mataas kasi magaan lamang ito. Nakakatakot lagyan ng laman, baka hindi ako makalipad, ang corny naman non diba?.

“ Teka lang, lumilipad ba ang Seahorse? Nagtatakang tanong ng Maya.

“ Ahhmm, haller,codename ko lang po yon, ang totoo po niyan kulisap po ako,minsan nasubsob sa ebs ng kalabaw, ‘di makintab ang pakpak at walang ilaw ang pwet, feeling ko nga super tsaka ako eh.”, lungkot lungkutan ang face na sabi ni kulisap.

“ Ang lakas ng insecurities mo Kulisap, pakatandaan bawat insektong katulad mo ay may gandang taglay.”

Lumambong ang mga mata ni Kulisap sa binitiwang salita ni maya, may pakiramdam siyang magandang ibon ito at kumikintab ang pakpak, di niya mapigilan ang pagkiwal ng kanyang pwet.

Doon nagsimula ang ugnayan ni Maya at Kulisap. Naging chatmate at textmate sila. All out ang arrive ni Kulisap, malambing at maalalahanin sa text at emails, samantalang nahahati naman ang oras at panahon ni Maya sa paghahanap ng gintong siit, pero may mga pagkakataong bumabawi naman siya kay Kulisap, pabugso bugso ika nga.

Panahon ng tag-init ng unang magkita si Maya at Kulisap sa bundok ng Makiling. Tulala ever si Kulisap ng yakapin siya ni Maya. Tinupad nito ang pangakong magkikita sila, siya na yata ang pinakamaligayang gamugamo aka Kulisap. Doon ay pinadama ni Maya na mahalagang insekto si Kulisap. Ang tarush, ang lapad ng wings ni Kulisap, abot hanggang North Pole

“ Bakit parang bumibigat ang puso ko Maya, may inilagay ka ba?” nagtatakang tanong ni Kulisap.

“ Wala naman, subukan nating lagyan ng kwento ng buhay ko, kaya mo pa kayang lumipad?”

“ Sige, basta ba aalalayan mo ako, natatakot kasi akong sumadsad at masugba sa apoy.”

“ Pagtiwalaan mo ang sarili mong kakayahan, huwag kang magpaalipin sa idinidikta ng kagubatan, may sarili kang pakpak, kaya mong lumipad at magmaganda sa sky.

“ Gusto mo bang tulungan din kitang hanapin ang nawawala mong puso Maya?

“ Kung hindi magiging kalabisan sayo kulisap, pero wala akong maipapangakong maidadagdag sa laman ng iyong puso.

“ Sapat ng binahagi mo ang buhay mo Maya, dahil dito feel na feel ko ang pagiging insect ko.” Patweetums na emote ni Kulisap


Naglalandas ang ulan sa mga dahon, ang butil na patak ay bumabasa sa pakpak ni Kulisap, super drama ang dating ng pagkawala ni Maya sa kanyang life. Feeling niya di

Na siya naalala pa nito ng lumipad ito ng mas malayo, napunta sa kagubatan ng Thailand, sa kakahuyan ng Vietnam at ngayon ay nasa Australia, nakikisalamuha sa koala bear at kangaroo. Buti na lang may Friendster akawnt sila, kahit papano nagkakaroon pa sila ng komunikasyon. Mental telepathy ang kapangyarihan nilang dalawa ngayon, patay sila diyan.



Ang tanong…


May moral of the story ba ang nabasa ninyo mga bata?
Back to top Go down
 
Mga kwentong eklabu
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
B'dadali :: USM B'DADALI section :: PASUC-
Jump to: